Thursday, July 31, 2014

puso, ano ang kwento mo?

Gaano ba kasakit ang di mahalin ng taong mahal mo?

Masakit. Sobrang sakit. Parang biniyak ang puso at kaluluwa mo. O maaring higit pa.

Lahat naman kasi ng tao, umaasa at nananalig sa isang “happy ending.” Na baling araw ma-meet natin si ”the one.”

Sabi nga din nila, kung gaano kasarap o kasaya umibig, ganoon din naman ang sakit na dulot nito.
Minsan sa sobrang sakit, tinatanong mo na kung “Bakit ganito? Bakit kailangan ako masaktan? Bakit di niya ako mahal? Ano ang mali? Bakit di niya ko kayang mahalin?”

Siguro naman, sa isang banda sa ating buhay, naramdaman na natin ang tinatawag na unrequited love.
Sa mga way over na sa stage na ito, congratulations. Wow! Isa kayong patunay na “the right one will come along if we wait, believe, and pray for it.”
Sa mga on the way pa lang, there is more to come. (Ito ay isang warning o pwede ding reminder, bahala na kayo maginterpret J )
Sa mga nagmomove-forward: push niyo lang yan. Go. Kaya pa natin to. Sabi nga ni RB, if you can’t move on, move on some more! As in more!

Dahil naniniwala naman siguro tayong lahat, na hindi un-fair ang buhay, di ba? Kaya nga bilog ang mundo, paikot-ikot. Kahit pa feeling mo nakikita mo sila lahat, in a relationship na. At tayo, hindi pa. Madami dami na din ang kinakasal na, pero may mga waiting pa din kung dadating pa ba siya- si future groom or bride. Sa kaibuturan ng ating puso nandoon ang paniniwala, na darating siya, at hindi ba yun ang pinakamahalaga? Dahil sa huli, ang pag-ibig ay darating sa kung sino man ang naniniwala dito.  At kahit gaano kahirap mag-intay, kahit minsan sawa ka na sa kakadasal dahil pakiramdam mo di ka pinakikinggan, pero mahigpit ang kapit natin. At ito ay tinatawag nating faith o pananampalataya, at ito ang nagpapatibay sa atin- nagbibigay lakas na maniwala tayo, kahit pakiramdam natin, wala ng bukas, wala ng pag-asa.

Maaring nakalugmok ka ngayon after mo mabasted, friend-zoned, seen-zoned o kung ano pa mang ang katumbas ay unrequited love. Or maaring nagheheal pa ang iyong broken heart pakatapos ng isang pag-ibig na hindi rin pala kayo sa huli. Pero kahit gaano man kasakit, alam natin, ano mang hakbang ang gawin natin ang siyang magdidikta ng kapalaran sa hinaharap, kaya kailangan magdesisyon tayo ng wasto at nararapat, dahil kung mag-self destruct tayo sa kasalukuyan, ang future din natin ang magiging kaawa-awa. At hindi naman siguro tayo papayag dun di ba? Gusto pa din natin ng happy ending. At dahil tayo ay optimists, pipiliin natin ang tamang daan, ika nga. Kahit matagal, kahit mahirap, at madaming pasikot-sikot. Kasi may tiwala tayo e, na karapat-dapat tayong mahalin, na may nakikinig sa prayers natin, na ang halaga natin ay hindi naididikta ng kung gaano tayo sinaktan, pinabayaan, binalewala ng taong minsang pinag-ikutan ng mundo natin. Ang halaga natin ay higit pa sa mga kamalian o kakulangan, dahil lahat naman ito matatama at mapupunan, basta bukal sa loob natin na magbago or punan ang mga pagkukulang.

At kahit gaano man kahirap mag-intay na dumating ang tamang tao sa buhay natin, alam ko, hindi ako nagiisa sa mga nananalig at naniniwala, darating siya. Na hindi natin sisirain ang buhay natin para lang sa isang taong di tayo kayang mahalin, bigyan ng halaga, o nang-iwan at nanakit, dahil gusto natin na maibigay natin ng buong- buo ang ating sarili sa taong nararapat sa atin, balang-araw. At ang lahat ng sakit na to, ng hirap, ng mga matang namumugto sa kakaiyak, ng pusong tinagpi-tagpi muna habang naghihilom pa- lahat ng ayan ay mawawala, hindi man ganon kadali, kahit paunti-unti, pag dumating ang tamang tao, sa tamang oras, tamang panahon, at tamang pagkakataon.

At dahil gusto natin na magmahal ng buong-buo muli sa pagdating ni “the one,” babangon tayo, magpapakabuti sa kung ano man ang pinagkakaabalahan natin, at sisikapin natin maging nararapat sa kung sino man ang nakalaan sa  atin. Ang tunay na pagibig ay handang mag-intay- kahit madaming balakid, hindi ito papadaig sa mga hamon. Dahil sa lahat, ang tunay na pag-ibig ay nakahihigit.

Kaya kahit ano man ang kwento ng puso mo, di ka nag-iisa. Kapit lang, my friend. Iiyak mo na yan, mauubos din ang luha. Magtanong ka lang, kung bakit. Balang araw malalaman mo din kung bakit hindi. I-let go mo lang kahit mahirap. Balang araw, oo balang araw, may tamang tao para sa iyo. Kung ano mang hirap at sakit ang pinagdaanan natin, maaring ipagpasalamat natin iyon. Dahil ang lahat ng hirap, sakit, pagod, luha na dinanas natin, ay siyang daan para makilala natin ang “the one.” Kapag nandiyan na siya, masasabi natin na sulit ang pag-iintay. Kaya sa ngayon, kahit ang status ay single and available, wait ka lang. Mapupush din ang kwento ng puso mo. In time. J

  • Para sa lahat ng naniniwala na darating ang one true love, ang tamang tao para sa tin, cheers! The waiting will be worth it. Let’s believe and have faith. J


No comments:

Post a Comment